Synchronize Polio Vaccination, ilulunsad ng DOH  

Magsasagawa ang Department of Health (DOH) simula ngayong araw ng Synchronized Vaccination Campaign kontra Polio.

Ayon kay Health sec. Francisco Duque III, ang Synchronized Polio Immunization ay magsisimula sa lungsod ng Maynila na susundan sa ilang lugar sa National Capital Region (NCR).

Pagkatapos sa Metro Manila, isusunod nila ang ilang priority regions sa bansa.


Nanawagan ang kalihim sa mga magulang na bumalik muli sa bakuna dahil ito ang best preventive measure laban sa Polio.

Kailangang makumpleto ang tatlong boses ng Oral Poliovirus Vaccines (OPV) sa mga batang under one-year old, at one dose ng inactivated Polio Vaccine.

Sinabi ni Duque, ang Pilipinas ay nahaharap sa bantang mawala ang Polio-Free status nito bunsod ng pagbaba ng OPV coverage nito.

Nabatid na ang Pilipinas ay Polio-Free Country sa loob ng 19 na taon.

Ang Polio ay isang nakakamatay at nakakabaldadong sakit.

Facebook Comments