Naghahanda na ang lokal na pamahalaan ng Las Piñas para sa isasagawang synchronized clean-up drive laban sa dengue sa darating na June 24.
Pinulong ng Las Piñas City Health Office (CHO) ang mga barangay kapitan, representatives at tauhan ng City Environment and Natural Resources Office at Sanitation Office para talakayin ang magiging partisipasyon ng mga ito.
Ipinaliwanag din ng mga doktor mula sa CHO sa pangunguna ni Dr. Julie Gonzales ang preventive measures partikular ang “4S” na kinabibilangan ng Search and destroy, Seek early consultation, protection at pagpigil sa indiscriminate fogging.
Inatasan naman ni Las Piñas City Mayor Mel Aguilar ang mga doktor na bigyang linaw kung paano nakukuha ang dengue at paano ito masusugpo.
Hinikayat din ng alkalde ang mamamayan na makiisa sa synchronized clean-up drive upang maging alerto at ligtas laban sa sakit na maidudulot ng mga lamok.