Pinagtibay ng Pangasinan Police Provincial Office at Land Transportation Office (LTO) Region 1 ang koordinasyon laban sa operasyon ng mga colorum na sasakyan sa lalawigan.
Sa ginanap na pagpupulong noong Pebrero 11, 2026 sa Lingayen, tinalakay ng dalawang ahensya ang pagpapalakas ng pagpapatupad ng batas, synchronized checkpoints, intelligence sharing, at malinaw na operational protocols upang masiguro ang epektibo at tuloy-tuloy na implementasyon ng mga batas sa transportasyon at trapiko.
Binigyang-diin ng mga kalahok ang kahalagahan ng patuloy na koordinasyon upang tugunan ang lumalalang operasyon ng illegal na transportasyon na naglalagay ng panganib sa publiko, sumisira sa lehitimong operator, at lumalabag sa umiiral na regulasyon.
Layunin ng hakbang na ito na masiguro ang maayos, ligtas, at legal na sistema ng transportasyon sa buong Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









