Pampanga – Arestado ang walong Israeli at 482 Pinoy sa Pampanga matapos masangkot sa online investment scam.
Sa ulat, nagsagawa ng operasyon ang mga otoridad sa tatlong departamento ng international brandings development Marketing, Inc., sa Clark Freeport Zone matapos magreklamo ang apat na Australiano na kanilang nabiktima.
Modus ng naturang online scam na kumbinsihin ang mga biktima na mag-invest sa isang bitcoin ang kanilang pinapasok kung saan posible silang tumubo ng malaki.
Matapos masagutan ang isang form, dito malalaman ng suspek ang personal information ng biktima at kanila na nilang makokontrol ang kanilang account.
Mahaharap sa syndicated estafa ang mga nadakip na dayuhan at Pilipino, na nakatangay ng dalawang milyong dolyar.
Facebook Comments