Manila, Philippines – Naibaba pa ng maraming ElectricCooperative sa bansa ang kanilang mga system loss mula sa 11.12% hanggang10.99%.
Base sa talaan ng National ElectrificationAdministration, 0.13% ang ibinaba nito mula 2015 kung saan 42 sa mga ElectricCooperative sa bansa ang nakapagtala ng single digit na pagbaba habang 53 namga Electric Cooperative ay napanatili ang 13% cap na itinakda ng EnergyRegulatory Commission.
Nangunguna pa rin ang limang Electric Cooperative na maymababang system loss gaya ng Misamis Oriental I Rural Electric Cooperative,Inc. (Moresco-1) na may 2.14% na sinundan ng Siasi Electric Cooperative, Inc.(Siaselco) na may 4.77%.
Pangatlo naman ang Dinagat Island Electric Cooperative,Inc. (Dielco) na may 5.31%, pang apat ang Iloilo III Electric Cooperative, Inc.(Ileco III) na may 5.95%, at ang Bohol I Electric Cooperative, Inc. (Boheco I)na may 6.07%.
Sa hanay naman ng mga Rehiyon sa Pilipinas, ang mgaElectric Cooperative sa Central Visayas pa rin ang nangungunang may maabangsystem loss na may 8.48% na sinundan ng Northern Mindanao 8.75%, Central Luzonna may 8.97%, Cordillera Administrative Region na may 9.58% at Caraga na may9.64%
Ikinagalak naman ito ni NEA Administrator EdgardoMasongsong kasabay ng pagsasabing ang pagpapababa ng system loss ang isa sa mgapangunahing agenda ng kanyang pamunuan.
Ang system loss ay ang kuryenteng nawala o ninanakaw kungsaan ang mga consumer ang nagbabayad nito at isinasama sa buwanang electricbill.
System loss ng mga Electric Cooperative, naibaba ayon sa National Electrification Administration
Facebook Comments