System maintenance sa mga planta na nagsu-supply ng kuryente sa bansa, hindi muna isasagawa ngayong Semana Santa

Wala munang isasagawang system maintenance ang mga power plant na nagsusuplay ng kuryente sa bansa.

Ito’y bilang kahandaan na rin na mayroong sapat na kuryente ngayong Semana Santa.

Ayon kay Energy Secretary Raphael Lottilla, hindi muna nila pinayagang magkaroon ng system maintenance ang mga planta bunsod na rin sa inaasahang pagdasa ng ilan sa ating mga kababayan.


Halos lahat kasi ay gagamit at mananatili sa mga hotel resorts sa iba’t ibang panig ng bansa ngayong Holy Week.

Kasunod nito, naniniwala naman ang Department of Energy (DOE) na masusuplayan nito ang buong linggo kahit pa mas inaasahan ang mataas na paggamit o demand ng kuryente lalo na ngayong tag-init.

Samantala, patuloy naman na naka-monitor ang ahensya katuwang ang National Grid Corporation (NGCP) sa sitwasyon at daloy ng kuryente sa buong bansa.

Facebook Comments