Manila, Philippines – Pagpapa-taas ng moral ng mga sundalong nakikipagbakbakan sa Marawi City.
Ito ang dahilan ng Armed Forces of the Philippines kaya ibinibenta ang t shirt na may naka sulat na support our troops.
Pero paglilinaw ni AFP civil relations service chief major general Ronnie Evangelista na hindi fund raising activity ang pagbebenta ng t-shirt.
Ito ay para maparamdam sa mga sundalong nasa sagupaan sa Marawi City na nakikita ng mga pilipino ang kanilang kabayanihan sa pamamagitan ng pagsuot ng t-shirt.
Ang nalilikom aniyang nilang halaga mula sa ibinibentang t-shirt ay balik kapital lamang ng AFP.
Sa ngayon, aminado si Evangelista na nagkakaubusan ng supply ng t-shirt na nagkakahalaga ng 150 pesos dahil sa dami ng mga mamimili.
Katunayan, mayroong mga Filipino na nasa hong kong ang nag order na ng lima libong pirasong t-shirt habang dalawampung libong piraso naman ang nag order sa online.