‘T3’ efforts ng mga LGU, kulang pa

Nakukulangan pa ang National Task Force against COVID-19 sa Tracing-Testing-Treatment efforts ng Local Government Units (LGU) laban sa COVID-19.

Ayon kay Chief Implementer Carlito Galvez Jr., hindi pa sapat ang ginagawang contact tracing ng mga lokal na pamahaan.

Sa bawat COVID-19 positive individual, tinatayang nasa 37 close contacts ang kailangang matunton para mapigilan ang pagkalat ng virus.


Binanggit ni Galvez na mayroong dalawang solusyon na pwedeng gawin, kabilang dito ang pagpapalakas ng Barangay Health Emergency Response Teams na magsasagawa ng contact tracing at ang “follow-the-trail” ng COVID-19 sa mga komunidad.

Isa pa sa posibleng solusyon ay ang tinatawag na “Daragi” kung saan nagbabahay-bahay ang hospital staff para matukoy ang mga mayroong kaso ng COVID-19.

Binigyang diin ni Galvez na importanteng mapalakas ang kakayahan ng mga LGU sa testing at tracing para sa paglaban sa pandemya.

Facebook Comments