Umabot na sa mahigit 3,000 indibidwal ang lumikas mula sa kanilang mga tahanan sa Batangas kasunod ng patuloy nap ag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Ayon kay Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) head Joselito Castro, aabot sa o 1,000 pamilya ang lumikas hanggang kaninang alas 5:00 ng umaga.
Mahigit 400 pamilya naman ang piniling makituloy sa kanilang mga kamag-anak.
Aniya, 12 munisipalidad sa lalawigan ang mayroong evacuation centers ay handang magpatuloy sa mga apektadong residente.
Bukod dito, tumatanggap din ng evacuees sa Cavite, Laguna at Quezon.
Ayon naman kay Batangas Vice Governor Mark Leviste, humingi na ang provincial government ng P10 milyong halaga ng tulong pinansyal mula sa national government.
Maliban sa pagkain, kailangang-kailangan din sa mg evacuation centers ang mga hygiene kits.
Samantala, ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay nakapagpadala na ang 200 tents sa mga evacuation centers at 300 pa ang inaasahang darating.
Nagpadala rin ang national government ng antigen test kits para magamit sa pagmo-monitor sa kalusugan ng mga evacuees.