Pinatututukan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng opisyal ng gobyerno ang sitwayson sa Taal Lake.
Ito ay matapos umabot sa 600 tonelada ng isdang tilapia at bangus ang naapektuhan ng fish kill sa lawa ng Taal sa Batangas.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, direktiba ng Pangulo na magpatupad ng hakbang ang mga opisyal ng gobyerno para mapigilang lumala ang fish kill.
Maliban rito, pinamo-monitor na rin aniya ng Pangulo ang presyo ng isda sa merkado at tiyaking sariwa ang mga isdang ibinebenta sa publiko.
Facebook Comments