
Hindi lamang mga nawawalang sabungero ang mga posibleng itinapon sa Taal Lake sa Batangas.
Ito ang sinabi ng Department of Justice (DOJ) ngayong nagpapatuloy ang paghahanap sa mga sabungero na itinapon umano sa lawa ilang taon na ang nakalipas.
Sa pulong balitaan kanina, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na posibleng tapunan din ng mga biktima ng war on drugs ang Taal Lake.
Naniniwala ang kalihim na pagsubok ito na kailangang lagpasan ng justice system ng bansa lalo na’t una nang napaulat na may ilang miyembro ng hudikatura na posibleng sangkot dito.
Nakausap na rin daw ni Remulla ang Korte Suprema para ipaabot ang kaniyang pangamba.
Facebook Comments









