Taal Volcano, nakapagtala lang ng limitadong pagyanig sa nakalipas na magdamag ayon sa PHIVOLCS

Bahagyang kumalma ang aktibidad ng Bulkang Taal sa lalawigan ng Batangas sa nakalipas na 24 oras.

Base sa pinakahuling bulletin na inilabas ng PHIVOLCS kaninang umaga, nakapagtala lamang ng apat na volcanic tremors ang bulkan sa nakalipas na magdamag.

Tumagal ito ng isa hanggang 15 minuto bukod pa sa mahihinang background tremor na nagsimula ng alas-7:15 ng gabi noong March 26 at nagpatuloy hanggang kaninang alas-5:45 ng umaga.


Pero ayon sa PHIVOLCS, ang pagiging kalmado ng bulkan ay hindi nangangahulugan na nanahimik na ito.

Kahapon, naitala ang pinakamaraming volcanic earthquake na abot sa 302 kabilang ang 184 episodes na volcanic tremors na tumagal ng isa hanggang 12 minuto at 118 na low frequency volcanic earthquakes.

Nananatiling nakataas ang Alert Level 2 sa Bulkang Taal.

Facebook Comments