Taal Volcano sa Batangas, muling nagpakita ng pag-aalburuto ngayong umaga; mahinang pagsabog, naranasan ayon sa PHIVOLCS

Mula alas-8:27 am hanggang 8:31 am ngayong umaga ay nakaranas ng mahinang pagsabog sa main crater ng Bulkang Taal sa Batangas.

Ito ay batay sa Visual, Seismic at Infrasound Records na naitala ng Taal Volcano Network.

Ang nabanggit na weak phreatic o steam-driven eruption ay naglabas ng puting usok na umabot ng hanggang 2000 metro mula sa main crater nito at napadpad sa bahagi ng hilagang-kanluran.


Giit ng PHILVOLVS, nananatiling nasa alert level 1 ang Bulkang Taal kaya ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa Taal Volcano Island lalo na sa main crater at Daang Kastila fissures at mahigpit ding ipinagbabawal ang paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan.

Gayunpaman ayon sa PHILVOLCS, kapansin pansin pa rin ang pagbaba ng sulfur dioxide (SO2) emissions nitong nakalipas na linggo na may average na 2,191 tons/day.

Facebook Comments