Walang indikasyon na magkakaroon ng pagsabog ang Taal Volcano kahit patuloy itong nagbubuga ng volcanic smog o vog.
Dahil dito, sinabi ni Department of Science and Technology Secretary Renato Solidum na hindi pa nila irerekomenda sa ngayon ang evacuation.
Pero nasa pagpapasya na aniya ng mga residente kung pansamantalang aalis sa kanilang lugar dahil sa volcanic smog.
Pero sa mga hindi aniya lilikas, ang pagsunod sa mga pag-iingat sa kalusugan at kaligtasan ay sapat na.
Paalala ni Solidum sa mga residente, mabubuting manatili na lamang sa loob ng bahay at isara ang mga pinto at bintana para hindi malanghap ito ang ibibubugang sulfur dioxide gas ng bulkan.
Makakatulong din aniya ang pagsusuot ng face mask kapag kinakailangang lumabas ng bahay.
Kailangan din aniya ang pag-inom ng maraming tubig para makatulonbg sa iritasyon ng lalamunan dulot ng vog.