TAAS, BABA | Dagdag-bawas sa mga kumpanya ng langis, aarangkada ngayong linggo

Manila, Philippines – May paggalaw muli sa presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.

Sa abiso, may tapyas na 10 hanggang 20-centavos sa kada litro ng gasolina.

Sa kerosene at diesel, inaasahang tataas ng 10 hanggang 15-centavos kada litro.


Sa ilalim na ipatutupad ng tax reform law sa Enero, may dagdag na buwis sa produktong petrolyo.

Sa kwenta ng Bureau of Internal Revenue, P2.50 ang magiging dagdag sa kada litro ng diesel at auto LPG.

2.65 pesos naman ang idadagdag sa gasolina at piso sa LPG.

Lolobo pa ang presyo dahil sa 12% Value Added Tax (VAT).

Nakadepende rin ito sa paggalaw ng presyuhan ng krudo sa world market.

Facebook Comments