Taas-babang kaso ng COVID-19 sa bansa, posibleng tumagal pa hanggang huling quarter ng taon

Posibleng makaranas ng “small waves” o ang taas-babang kaso ng COVID-19 ang bansa hanggang sa huling quarter ng 2022.

Ayon kay Professor Jomar Rabajante ng University of the Philippines (UP) Pandemic Response Team, ito ay dahil sa humihinang immunity ng publiko laban sa virus gayundin ang pagtaas ng mobility sa bansa.

Marami pa kasi aniyang hindi nagpapabooster shot at bukas na rin ang borders ng bansa.


Gayunpaman, sinabi ni Rabajante na hindi na dapat magpatupad ng lockdown ang pamahalaan para lamang mapigilan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bans, at sa halip ay tiyakin ang kaligtasan sa mga trabaho at paaralan.

Matatandaang nakapagtala ang Pilipinas ng 2,560 na bagong kaso ng COVID-19 kahapon, Hulyo 17, kung saan ito na ang ika-apat na araw na lumagpas sa 2,000 ang naitalang kaso ng virus sa bansa.

Facebook Comments