Taas-babang presyo sa produktong petrolyo, ipatutupad ng ilang kompanya ng langis bukas

Ipatutupad ng ilang kompanya ng langis ang oil price adjustment sa mga produktong petrolyo simula bukas, Nobyembre 15.

Epektibo ang price adjustment ng Caltex mamayang alas-12:01 ng hatinggabi, habang ang Shell, Seaoil, at Petrogazz naman ay bukas ng alas-6 ng umaga, at alas-4:01 naman ng hapon ang Cleanfuel.

Nasa P0.90 ang madadagdag sa kada litro ng gasolina at P1.35 sa kada litro ng kerosene, habang mababawasan naman ng P0.40 ang kada litro ng diesel.


Taas-baba ang presyuhan sa world market dahil sa pagbaba ng demand sa China dulot ng zero-COVID policy at plano ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) Plus na magbawas ng produksiyon ng langis ngayong Nobyembre.

Facebook Comments