Ipinatupad na ng isang bus transit sa bayan ng Asingan ang bagong pamasahe sa kanilang biyahe matapos aprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang dagdag-singil na ₱0.35 kada kilometro.
Nagsimula ang implementasyon ng fare hike noong Marso 15 na sumasaklaw sa mga rutang Asingan patungong Cubao at pabalik, gayundin sa rutang Asingan patungong Dapitan at vice versa.
Batay sa inilabas na abiso, umakyat sa ₱476 ang pamasahe mula sa dating ₱403 bilang resulta ng nasabing dagdag-singil.
Ayon sa ulat, bunsod pa rin ito ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.
Nananatili naman ang 20% discount para sa mga estudyante, senior citizen, at persons with disabilities kung saan aabot na lamang sa humigit-kumulang ₱381 ang kanilang pamasahe.
Kaugnay nito, hinikayat ng lokal na pamahalaan ang mga komyuter na sumunod sa tamang pagbabayad ng pamasahe kasunod ng ipinatupad na pagbabago. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







