Manila, Philippines – Tiniyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na walang pagtaas sa pamasahe hanggang sa Marso kasunod ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo bunsod ng bagong excise tax.
Ayon kay LTFRB Boad Member Atty. Aillen Lizada, imposibleng maaprubahan agad ang mga petisyong nagsusulong ng dagdag singil lalo at kailangang dumaan ang mga ito sa proseso.
Sakaling payagan nila ang dagdag singil, sinabi ni Lizada na nangangahulugan ito ng mas mabuting serbisyo ng mga pampublikong sasakyan.
Kabilang sa mga humihirit ng fare hike ay ang Grab Philippines, mga jeppnet at taxi operators.
Facebook Comments