Manila, Philippines – Ngayon pa lamang ay umaaray na ang ilang pasahero ng Transport Network Vehicle dahil sa posibleng pagtaas ng kanilang babayarang pamasahe.
Kahapon kasi nag labas na ng pahayag ang Grab na hihingi sila ng 6% hanggang 20% na dagdag sa pamasahe kasunod ng epekto ng tax reform.
Ayon sa ilang mga pasahero maganda ang serbisyo ng Grab at Uber kaya kahit may kamahalan ay handa silang mag bayad pero ngayon na may nakaambang taas-pasahe nag dadalawang isip na sila.
Paliwanag nila noon pa man otomatiko ng tumaas ang pamasahe dahil sa tinatawag na surge at mas mag mamahal pa ang kanilang babayaran dahil sa pagtaas ng gasolina.
Tinukoy ng Grab na bukod sa gasolina mag mamahal din ang pag bili sa mga sasakyan kaya nasa 6% hanggang10% ang kanilang hirit sa dagdag pasahe.
TAAS-PASAHE | Mga pasahero ng TNVS, nangangamba
Facebook Comments