Manila, Philippines – Itinakda na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga pagdinig sa mga inihaing petisyon para sa dagdag pasahe ng mga Public Utility Vehicle at ng tinatawag na Transport Network Vehicle Services.
May nauna nang petisyon ang mga PUJ na humihiling na makapagtaas sila ng pasahe mula 8 pesos hanggang 10 pesos na fare increase.
Dalawang ulit nang ipinagpaliban ang hearing dahil na rin mismo sa pagnanais ng mga ito na maamyendahan ang kanilang petisyon kasunod ng posibleng epekto ng ipapataw na mas malaking excise tax sa mga petroleum products dahil sa Tax Reform Acceleration and Inclusion o TRAIN law.
Ayon kay LTFRB spokesperson Aileen Lizada, sabay na didinggin na sa February 13 ang petisyon ng mga jeepney operators at ang petisyon naman ng Philippine National Taxi Operators Association o PNTOA.
Itinakda naman sa February 14 ang kahilingan ng GRAB Philippines na 5 percent fare increase.