TAAS-PASAHE | Mga taxi operator, kinalampag muli ang LTFRB

Manila, Philippines – Umapela ang mga taxi operator sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ipatupad na ang hiniling nilang dagdag-pasahe.

Ito ay matapos muling sumipa ang presyo ng produktong petrolyo at Liquefied Petroleum Gas (LPG).

Giit ni Bong Suntay, pangulo ng Philippine National Taxi Operators Association (PNTOA), dapat ng ipatupad ng LTFRB ang una na nilang naaprubahan na P40 flag down rate, P13.50 dagdag sa kada kilometro, at P2 kada minuto na running time ng mga regular taxi.


Una nang inutos ng LTFRB na ayusin muna ng mga taxi operator ang kanilang calibration at magkaroon sila ng mobile app.

Dahil dito, tiniyak ng PNTOA na sa susunod na buwan ay magre-recalibrate at mare-seal na sila ng metro ng mga taxi para maaari na silang maningil ng mas mataas na rate.

Facebook Comments