TAAS-PASAHE | Mga transport group, ikinatuwa ang pisong provisional increase sa pasahe

Manila, Philippines – Bagamat kalahati lamang sa kanilang hinihinging fare increase ang ibinigay ng LTFRB, ikinatuwa pa rin ito ng Liga ng Tranportasyon at Opereytor sa Pilipinas o LTOP.

Ayon kay LTOP President Lando Marquez, malaking ayuda na aniya ang one peso provisional sa isang tsuper at operator para makaagapay sa mataas na presyo ng krudo at bilihin.

Gayunman sinabi ni ka Lando na umaasa ang sektor ng transportasyon na sa susunod na mga araw ay maaaprubahan din ng tuluyan ng LTFRB board ang dalawang pisong taas-pasahe.


Nang inihayag ni LTFRB Chairman Martin Delgra na ang ‘one peso provisional’ fare increase ay hindi pa ipatutupad hanggat hindi pormal na nakapaglalabas ng kautusan ang ahensya.

Facebook Comments