Taas pasahe sa pampasaherong jeepney, isinusulong ng isang transport group

Manila, Philippines – Humihirit ng pisong dagdag pasahe sa jeep ang grupong Philippine Confederation of Drivers and Operators—Alliance of Concerned Transport Organizations (PCDO-ACTO).

Mula sa walong piso na minimum fare ay magiging 9 pesos na.

Ayon sa presidente ng grupo na si Efren de Luna – ito’y dahil sa patuloy na pagtaas na presyo ng produktong petrolyo.


Aniya, umaabot na sa 32 pesos ang kada litro ng diesel kasama pa ang problema sa trapik at mahal na presyo ng gulong at spare parts ng sasakyan.

Ihahain ng grupo sa susunod na linggo ang petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Tiniyak naman ng LTFRB na agad nilang isasalang sa pagdinig kapag naihain na ang petisyon.

Facebook Comments