TAAS-PASAHE | Unang araw na pagpapatupad ng ₱10 minimum fare sa jeep, nagdulot ng kalituhan

Manila, Philippines – Nagkaroon ng kalituhan sa mga pasahero at mga tsuper ng pampasaherong jeep sa unang araw na pagpapatupad ng 10 pesos minimum fare na ipinatupad kahapon, November 2.

Ilan sa mga pasahero at driver ay hindi alam kung epektibo na ang taas-paase.

Nilinaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), na hindi maaring magpatupad ng fare increase kung wala pang fare matrix.


Nai-isyu na sa mga opisina ng ahensya ang mga bagong fare matrix pero marami pa rin ang walang nakakakuha.

Kaya inaasahang sa Lunes, November 5 pa makukuha ng mga tsuper at operator ang fare matrix.

Pag-aaralan din ng LTFRB ang desisyon tungkol sa taas-pasahe subalit hindi pa nagbabago ang desisyon ng ahensya sa ngayon.

Facebook Comments