TAAS-PRESYO | Dagdag presyo at excise tax sa produktong petrolyo, mararamdaman sa 2018

Manila, Philippines – Sasalubong sa 2018 ang taas presyo ng produktong petrolyo.

60 hanggang 70 centavos ang itataas sa presyo ng kada litro ng diesel, 20 hanggang 30 centavos sa kada litro ng gasolina.

Mayroong 70 hanggang 80 centavos sa kerosense.


Bukod dito, papatak din ang pagpataw excise tax sa oil products sa ilalim ng tax reform law.

P2.97 ang idadagdag sa gasolina, P2.80 sa diesel habang P3.36 sa kerosene.

Kapag pinagsama ang bagong buwis at dagdag presyo, aabutin ng lagpas tatlong piso ang itataas sa presyo ng kada litro ng diesel at gasolina habang higit apat na piso sa kerosene.

Facebook Comments