TAAS PRESYO | Dagdag singil sa kuryente, asahan na ngayong Abril; Presyo ng LPG, tumaas rin

Manila, Philippines – Asahan na ang dagdag singil sa presyo ng kuryente ngayong Abril.

Ipatutupad na kasi ng Manila Electric Company ang dagdag na labing dalawang sentimos kada kilo watt hour na taas-singil sa kuryente ngayong buwan na bahagi ng siyamnaput pitong sentimong dagdag singil noong Marso.

Ang electric rate hike ay dahil pa rin sa epekto ng train law.


Samantala, tumaas naman ang presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) at auto-LPG ng kumpanyang Petron.

Epektibo kahapon, ipinatupad ang 25 sentimos na dagdag presyo sa kada kilo ng LPG o katumabas ng dalawang pisong taas presyo.

Ito ay bunsod pa rin ng pagtaas ng presyo ng kurdo sa world market.

Facebook Comments