TAAS PRESYO | Dagdag singil sa LPG, ipinatupad ng isang kumpanya ng langis ngayong araw

Manila, Philippines – May dagdag singil ang kumpanyang Petron sa kanilang Liquefied Petroleum Gas (LPG).

Epektibo ngayong araw ang dagdag singil na P2.35 sa bawat kilo.

Katumbas ito ng P25.8 para sa kanilang 11 kilogram na tangke ng LPG.


Maliban rito, tataas rin ng P1.30 kada litro ang singil ng Petron sa kanilang autolpg.

Paliwanag ng Petron ang dagdag-singil ay bunsod ng paggalaw ng international contract price.

Hindi naman magtataas ng presyo sa kanilang mga produktong LPG ang Petron sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity.

Facebook Comments