TAAS PRESYO | Dagdag singil sa Manila Water, inaprubahan ng MWSS

Manila, Philippines – Aprubado na ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang dagdag-singil ng Manila Water.

Nasa P6.22 hanggang P6.50 kada cubic meter ang inaprubahan ng MWSS board of directors na rate adjustment ng Manila Water na hahatiin sa loob ng limang taon simula sa Oktubre.

Ito ay katumbas ng P1.46 kada cubic meter na dagdag sa Oktubre, P2 kada cubic meter sa Enero 2020, P2 kada cubic meter sa Enero 2021 at P0.76 hanggang P1.04 kada cubic meter sa Enero 2022.


Nauna nang inaprubahan ng MWSS ang rate adjustment ng Maynilad na epektibo na rin sa Oktubre.

Magugunitang inaprubahan din nitong buwan ng MWSS ang Foreign Currency Differential Adjustment (FCDA) para sa huling tatlong buwan ng 2018 ng Manila Water.

Nasa P0.02 kada cubic meter ang ibabawas ng Manila Water sa kanilang singil dahil sa FCDA o iyong pagbabago sa bayad dahil sa mga gastos na dala ng pagbabago sa palitan ng piso.

Facebook Comments