TAAS-PRESYO | Dagdag singil sa produktong petrolyo, aarangkada bukas

Manila, Philippines – Matapos ang kakarampot na rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo noong nakaraang linggo dagdag-presyo naman ang sasalubong sa mga motorista bukas.

Nasa 30 centavos ang inaasahang taas-presyo sa kada litro ng gasolina habang 50 centavos naman sa diesel.

Magmamahal din ng 45 centavos ang presyo ng kada litro ng kerosene.


Ang panibagong oil price adjustment ay bunsod ng paggalaw ng presyo ng langis sa world market.

Facebook Comments