TAAS PRESYO | Dagdag-singil sa tubig, ipatutupad na

36

Inaprubahan na ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang hirit na dagdag-singil ng Maynilad na uutay-utayin sa susunod na limang taon simula sa Oktubre.

Nasa P5.73 kada cubic meter ang inaprubahan taas singil ng Maynilad.

Ito ay katumbas ng P0.90 kada cubic meter sa Oktubre, P1.95 kada cubic meter sa Enero 2020, P1.95 kada cubic meter sa Enero 2021 at P0.93 kada cubic meter sa Enero 2022.

Mababatid na hindi pa kasali rito ang mga buwis gaya ng value-added tax na madadagdag pa sa over-all na rate hike.

Sa Setyembre 27 naman nakatakdang isalang ang nasa P7 dagdag-singil ng Manila Water.

Facebook Comments