TAAS PRESYO | DOE kinalampag ng Senado para higpitan ang monitoring sa mga kumpanya ng langis

Manila, Philippines – Kinalampag ng Senado ang Department of Energy (DOE) na higpitan ang monitoring sa mga kumpanya ng langis sa bansa.

Kasunod na rin ito ng pagkakadiskubre ni Senate Committee on Energy Chairman Sherwin Gatchalian na naunahan ng mga kumpanya ng langis ang DOE sa pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo kasunod ng pagpapatupad ng TRAIN Law.

Sa interview ng RMN kay Gatchalian, pinatitiyak niya sa DOE na dapat dumaan sa butas ng karayom ang mga kumpanya ng langis bago magtaas ng presyo.


Layon aniya nitong masiguro na hindi maiisahan muli ang mga consumers sa pagbabayad ng mas mataas na presyo sa mga produktong petrolyo mula sa mga oil at coal stocks na hindi pa naman sakop ng panibagong Excise Tax.

Nakatakda rin magsagawa ng public hearing ang komite upang tingnan ang imbentaryo ng coal at oil products.

Facebook Comments