TAAS PRESYO | DTI, inaprubahan ang 50-sentimos na dagdag presyo sa delatang sardinas

Manila, Philippines – Inaprubahan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang dagdag na P0.50 sa presyo ng mga de-latang sardinas dahil sa pagmahal ng raw materials.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, mas mababa ito sa P1 hanggang P2 dagdag-singil na hinihiling ng pito sa siyam na nangungunang brand ng de latang sardinas.

Paglilinaw naman ni Lopez na hindi dahil sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law ang taas-presyo kundi dahil sa pagmahal ng imported tinplates.


Inaasahan naman ng DTI na maaaring humingi pa ng taas-presyo ang mga manufacturer na apektado sa mas mahal na petrolyo sa loob ng isa o dalawang buwan.

Pero giit ni Lopez, dapat muna patunayan ng mga negosyante na kailangan talaga nila ang umento sa presyo.

Facebook Comments