Manila, Philippines – Maglalabas ng gabay sa Suggested Retail Prices ang Department of Trade and Industry sa susunod na linggo.
Ito ay ay dahil sa inaasahang pagtaas ng presyo ng mga bilihin matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Tax Reform For Acceleration And Inclusion o TRAIN law.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, hindi naman kalakihan ang itaas ng presyo ng mga bilihin.
Aniya, may pangbawi naman ang gobyerno sa dagdag buwis ng ilang produkto.
Sa ilalim kasi ng TRAIN Law, exempted na sa pagbabayad ng buwis ang mga manggagawang sumasahod ng P250,000 kada taon o hindi lalagpas sa P21,000 kada buwan.
Facebook Comments