TAAS PRESYO | Ika-apat na beses na oil price hike, epektibo na ngayong araw

Manila, Philippines – Sa ikaapat na sunod na linggo, muling tataas ang presyo ng produktong petrolyo ngayong araw.

Sa abiso ng ilang kumpanya ng langis, magkakaroon ng P0.50 dagdag sa presyo kada litro ng diesel at kerosene.

Nasa P0.30 naman ang dagdag sa kada litro ng gasolina.


Kung isasama ang bagong excise tax, tumaas ng P2.80 ang presyo sa kada litro ng diesel, P3.36 sa kada litro ng kerosene habang P2.27 sa kada litro ng gasolina.

Facebook Comments