TAAS PRESYO | Inuming nakalalasing, planong taasan ng buwis

Manila, Philippines – Isinusulong din ang annual increase ng limang piso kada proof liter ng distilled products sa pagitan ng 2021 at 2023.

Sakop ng dagdag-buwis ang mga sparkling wines o champagnes maging ang still at carbonated wines.

Ayon kay Finance Assistant Secretary Antonio Joselito Lambino II, inaasahang aabot sa ₱61.3 billion pesos simula 2020 ang makukuhang revenue ng gobyerno kapag tinaasan ang excise tax sa sin products at maari pa itong umakyat ng hanggang ₱77.6 billion sa mga sususnod na taon.


Sinabi naman ni Finance Secretary Carlos Dominguez III, 70% ng annual revenue ng gobyerno ay nakukuha mula sa tobacco habang ang natitirang 30% ay galing sa alcohol.

Ani Dominguez, nais panatilihin ng gobyerno ang 70:30 revenue share ratio.

Ang planong increase sa excise tax ng alcoholic beverages ay bahagi ng package-two plus ng tax reform kung saan sakop din ang cigarette manufacturers at importers.

Facebook Comments