TAAS PRESYO | Kumpiyansa ng mga konsumer sa kanilang kakayahang bumili at gumastos, bumaba – BSP

Manila, Philippines – Malaking isyu para sa mga konsyumers ang pagmahal ng mga pangunahing bilihin.

Sa survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), mas bumaba ang kumpiyansa ng mga konsumer sa kanilang kakayahan na bumili at gumastos.

Nag-aalala rin ang ilang konsyumer sa inaasahang pagpasa ng tax reform package.


Ayon kay BSP Deputy Governor Diwa Gunigundo, bagamat bumaba ang kumpiyansa nga mga konsyumer, hindi ang panukalang tax reform ang dahilan nito.

Inaasahang pagbobotohan na sa Bicameral Conference Committee ang nasabing panukala bukas, December 11.

Facebook Comments