Manila, Philippines – Wala sa kamay ng National Food Authority na panghimasukan ang tumataas na rin presyo ng commercial rice.
Ayon kay NFA acting Spokesperson Rex Estoperes, ang Department of Trade and Industry ang may responsibilidad sa price control.
Ang mandato aniya ng NFA ay balansehin ang suplay ng bigas sa merkado.
Papel ng ahensya na magkaroon ng mapagpipilian sa sandaling magtaasan ang iba-ibang variety ng bigas.
Ang magagawa na lamang nila ngayon ay paagahin ang pagdating ng inaangkat na bigas para ma stabilize ang presyo ng bigas sa palengke.
Gayunman, wala pang bidding na nangyayari at ang tantiya ay sa Hunyobpa ang dating ng imported na bigas.
Facebook Comments