Nag-abiso ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na posible pang magpatuloy ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga susunod na buwan.
Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, bunsod ito ng kakulangan ng suplay ng pagkain at ang pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
Una nang pumalo ang inflation o ang bilis ng pagtaas ng halaga ng mga bilihin sa 4.2 percent nitong Enero, pinakamataas nitong antas sa loob ng dalawang taon.
Batay naman sa Philippine Statistics Authority (PSA) sa kalagitnaan ng Pebrero pa nila makukuha ang datos sa posibleng epekto ng 60-day price cap sa baboy at manok sa National Capital Region (NCR).
Facebook Comments