TAAS PRESYO | Pagtaas ng kuryente sa Iloilo, pinangangambahan

Bunsod ng pagpayag ng House Legislative Franchise na bigyan ng prangkisa ang isag electric company na sinasabing papalit sa kasalukuyang Panay Electric Company (PECO), pinangangambahan naman ng ilang mambabatas ang pagtaas ng singil sa kuryente sa Iloilo City.

Ayon kina COOP NATCCO Rep. Anthony Bravo at AASENSO Rep. Teodoro Montoro, hindi nagkaroon ng konsultasyon ang komite sa mga consumer sa lugar bago binigyan ng prangkisa ang More Minerals Corp (MMC).

Sinabi ni Bravo na hindi malinaw kung nakonsulta ang lahat ng stakeholders sa lugar bago inaprubahan ang prangkisa ng MMC.


Dapat anilang ipinaalam sa mga taga Iloilo ang kasalukuyang sitwasyon ng enerhiya roon.

Hindi rin anila malinaw kung tatanggapin ng mga taga Iloilo ang bagong competitor dahil sa kawalan ng konsultasyon.

Dagdag dito, bukod sa pagtaas ng kuryente ay malaki din ang tsansa ng power interruption sa lungsod sa oras na maisagawa ang transition period ng PECO sa MMC.

Facebook Comments