TAAS-PRESYO | Presyo ng bilog na mga prutas, nagsimula nang magtaasan

Manila, Philippines – Habang papalapit ang Bagong Taon, asahan na ang mas mataas na presyo ng mga bilog na prutas sa Divisoria, Maynila.

Ayon sa mga nagtitinda sa Divisoria, mas dagsa kasi ang mga mamimili ng mga prutas ngayong araw hanggang sa December 31.

Ang peras na sampung piso kada piraso noon, 20 pesos na.


Ang kada kilo ng ubas at chico, 20 pesos ang itinaas mula sa dating presyo.

Mula naman sa P120 na kada piraso ng pakwan, mabibili na ito sa halagang P150. Ang ponkan na sampung piso kada dalawang piraso, P25 na at ang melon na P60 noon, P100 na kada isa.

20 pesos naman ang mansanas habang mas mahal ng limang piso ang green apple.

Bukod sa prutas, mabili na rin sa Divisoria ang mga torotot na mabibili sa halagang mula piso kada isa.

Facebook Comments