TAAS-PRESYO | Presyo ng LPG, tataas din!

Manila, Philippines – Tataas ang presyo ng Liquefied Petroleum Gas o LPG simula ngayong araw.

Sa abiso ng Petron, magdadagdag ito ng P1.75 sa kada kilo sa kanilang LPG epektibo kaninang 12:01 ng madaling araw.

Kasama na sa nasabing adjustment ang Value Added Tax (VAT).


Bukod sa LPG ay tumaas din ang presyo ng bawat litro ng kanilang auto LPG.

Ayon sa Petron, ang taas presyo ay sumasalamin sa international contract price ng LPG para sa buwan ng Agosto.
Paliwanag naman ni Department of Energy Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) Assistant Director Rodela Romero, ito bunsod ng mataas na demand sa LPG na ginagamit na heating fuel sa ibang bansa tuwing tag-lamig.

Maliban rito, tumaas rin ang gastos sa pagbyahe sa mga LPG na sinabayan pa ng tensyon sa Middle East.

Facebook Comments