Manila, Philippines – Hihirit muli ngayong linggo ang panibagong oil price hike.
Nasa 30 hanggang 40 centavos ang imamahal ng gasolina, 40 hanggang 50 centavos ang itataas ng diesel at kerosene.
Epektibo ang nasabing dagdag-presyo sa araw ng Martes, January 23.
Ito na ang ikaapat na sunod na oil price hike kung saan umabot na sa 1.75 pesos kada litro ang naidagdag sa presyo ng diesel samantalang piso naman sa gasolina.
Hiwalay pa ito sa ipinatutupad na dagdag singil ng mga oil companies dahil sa ipinataw na excise tax sa mga produktong petrolyo.
Facebook Comments