TAAS-PRESYO | Presyo ng sardinas, meat loaf at corned beef, tumaas

Manila, Philippines – Simula noong July 1, tumaas na ang presyo ng ilang pangunahing bilihin.

Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, tumaas ng P0.65 sentimo hanggang P1.45 ang ilang brand ng sardinas, beef loaf, meat loaf at corned beef.

Ilang brand na evaporated at condensed milk rin aniya ang tumaas ng piso hanggang P2 at P0.50 sentimos ang itinaas ng isang brand ng sabong panlaba.


Paliwanag ni Castelo, ang mga nasabing brand ay hindi nagtaas ng presyo sa pagsisimula ng taon pero kinailangan ng magtaas ng presyo dahil sa pagmahal din ng raw materials at iba pang factors.

Kasabay nito binalaan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga grocery at supermarket na magtataas ng presyo ng mga naunang stock ng produkto na nabili nila sa murang halaga.

Facebook Comments