TAAS PRESYO | Produktong petrolyo, sisirit

Manila, Philippines – Muling kumapit ang mga motorista dahil muling tataas ang presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.

Maglalaro sa 40 hanggang 50 sentimos ang itataas sa presyo ng diesel at kerosene habang nasa 30 hanggang 40 sentimos naman ang magiging dagdag presyo sa gasolina sa susunod na linggo.

Ang oil price adjustment ay bunsod ng paggalaw sa presyo ng krudo sa world market.


Facebook Comments