Mas mataas pa sa inaasahang bigtime oil price hike ang sasalubong sa mga motorista bukas, October 11.
Magpapatupad ang Pilipinas Shell, Seaoil at Caltex ng P6.85 na taas-presyo sa diesel; P3.50 sa kerosene at P1.20 sa gasolina.
Kaparehong oil price adjustment din ang ipatutupad ng Cleanfuel maliban sa kerosene.
Sa naunang abiso ng oil industry, maglalaro lang dapat sa P6.20 hanggang P6.50 ang taas-presyo sa diesel pero lumobo pa ito dahil sa mas mataas na premium, freight at CME component.
Una nang sinabi ni Department of Energy – Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad na ang bigtime oil price hike ay resulta ng desisyon ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) na magbawas ng dalawang milyong bariles na produksyon ng langis kada araw kasunod ng pagbaba ng presyo nito dahil sa ipinatupad na interest rate hike ng Estados Unidos.