Taas-presyo sa ilang agricultural products, tuloy sa kabila ng bigtime rollback sa petrolyo bukas

Hindi pa rin mapipigilan ng nagbabadyang oil price rollback bukas ang pagtaas ng ilang agricultural products.

Iginiit ito ni SINAG Chairman Rosendo So sa panayam ng RMN Manila kung saan sinabi nito na hindi pa nila naipapatong ang bagong production cost sa bagong presyo ng produktong petrolyo.

Paliwanag nito, nasa 57 pesos per liter pa ang nasa computation nila, malayo sa presyo ngayon na pumapatak sa 62 hanggang 73 pesos kada litro.


Samantala, siniguro naman ni National Food Authority (NFA) Administrator Atty. Judy Carol Dansal sa panayam ng RMN Manila na hindi magtataas ang presyo ng NFA rice na nasa 25 pesos per kilo ang suggested retail price.

Tiniyak din ni Dansal ang sapat na suplay nito kung saan mayroon pang mahigit tatlong buwan o 101 days ang buffer stock ng NFA rice ang gobyerno.

Facebook Comments