Taas-presyo sa ilang basic goods and prime commodities, inaprubahan ng DTI

Asahan na ang mas mahal na mga bilihin.

Ito ay makaraang aprubahan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang taas-presyo sa ilang basic goods and prime commodities.

Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni DTI Usec. Ruth Castelo na 2% hanggang 10% ang itataas sa presyo ng ilang pangunahing bilihin kabilang ang mga de lata, processed milk, kape, bottled water at iba.


Nabatid na 82 produkto mula sa 212 shelf keeping units na nakalista sa kanilang SRP bulletin ang pinayagang magtaas.

Paliwanag ni Castelo, pinayagan nila ang taas-presyo dahil sa pagtaas din ng halaga ng mga raw materilas at patuloy na pagsipa ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Facebook Comments