Humiling ang ilang food manufacturers sa Department of Trade and Industry (DTI) ng taas-presyo sa ilang mga produkto.
Kabilang dito ang mga manufacturer ng kape, instant noodles, canned goods, sardinas at gatas.
Nasa 30 sentimo hanggang P3 ang inihirit na umento ng ilang kumpanya dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng raw materials.
Tiniyak naman ng DTI na pag-aaralan nito ang hirit ng food manufacturers at sinigurong hindi magsasabay-sabay ang pagtaas ng presyo ng mga produkto.
Samantala, sumipa na rin sa P140 hanggang P150 ang kada kilo ng presyo ng kamatis sa mga palengke sa Metro Manila na dati’y nasa P80 lamang kada kilo.
Ito ay dahil sa kakulangan ng suplay ng kamatis matapos hindi makapagtanim ang mga magsasaka dahil sa pagkalugi noong nakaraang taon bunsod ng pagbagsak ng presyo nito.