Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na hindi masyadong mararamdaman ang taas-presyo ng ilang pangunahing bilihin ngayong holiday season.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, tatlong porsyentong lamang ang itataas sa presyo ng grocery products.
Napaka-minimal lang din aniya ang naging paggalaw ng presyo sa pangunahing bilihin at kalahati lamang sa kanilang listahan ang nagtaas ng presyo.
Sinabi naman ni Lopez na bibigyan nila ng insentibo ang mga manufacturers na hindi nagtaas ng presyo ngayon holiday season.
Facebook Comments